after a lot of paputol putol na tulog, naka isang linggo na rin ako sa wakas dito sa cn. and may i say, 5 weeks to go. hehehe.
nways. the work was not that bad. set up of our workstations. install applications. read some materials. fixed a simple sir. a couple of functional and highlevel application overview. and some discussions. not bad. as what neil mentioned. it's like drinking in a fire hose. we need to grasp everything as much as we can so that when we come home we can establish a new team in manila. he also introduced as to a new tool. and we will be the one piloting the tool. about communications. well. i hope it will work. but there are no pressures to make it work.
mejo nakakaadjust na rin kahit papaano. and mejo nakakakuha naman ng sapat na tulog.
wake up early in the morning. to cook food. kung ano man ang kakainin sa lunch. hehehe. tipid tipid. para may maipon. kulet. toyo, suka, bawang, sibuyas pa lang yung main ingredients namin. then nakabili kami ng porkchop. so una. adobo ginawa ko. then sunod is marinated naman. so yun lang muna. hahaha. d na rin ako mashadong nakakain ng dinner. kasi pag dating ko sa hotel. i try to surf the net. then tulog na lng. hindi na ko nakakain ng dinner. kung magising ng madaling araw, kakain. kung hindi. wait for the breakfast na lang.
eto. maaga palagi nagigising. which is unusual. sa pinas kasi. late matulog, late gumising, late pumasok sa opis. at after opis, maraming activities. like badminton, futsal, basketball, futball at kung anu ano pa. i may say nakakamiss yun. pero wala akong magagawa. andito ako eh. suppress myself muna. tumingin nga ako ng bola ng soccer sa mall. hindi ako nakabili. mejo mahal. titingin ako sa ibang store. hehehe.
then kanina. nakapanuod ako ng business news. nagkukunwaring me alam. hahahaha. dati kasi nung pumunta mom ko dito. mas maliit ang value ng canadian dollar kesa sa usd. pero ngayun mas mahal na sya. 1 cad = .9xx usd. and mejo mahal talaga pala bilihin dito. and as a result. nung umangat ang value ng cad, hindi na nila maibaba ang presyo ng bilihin. pinapakiusapan pa nung dept of finance or something yung mga establishments to lower the price of their products. which is mahirap. parang pinas. tumataas ang value ng peso. pero hindi binababa ang presyo ng bilihin. d ko alam kung anong impact. pero ang result siguro eh. mahal ang bilihin, at wala akong mabiling stuff. waaaaahhhh. bibili sana ako ng camera dito. pero ang mahal. then bibili ako sana sa us, then papaship ko dito, pero mahal din. kasi me shipping cost and may mga taxes pa. hahaha. olats. well. still weighing out kung dito pa rin ba ako bibili or sa pinas na lang. hihihihi. hindi ko alam.
ano pa ba? wala lang. miss ko na pinas. pero keri pa naman. hehehe. i'll just enjoy my stay here. like me said, konti lang ang nabibigyan ng opportunity to go here. so yun. ieenjoy ko na lang and kwekwentuhan ko na lng kayo kung anuman ang maeexperience ko dito at kung anu yung mga adventures ko. dala ko naman yung s3is ko. so me makukuha pa rin naman akong pics. pagtyagaan na lang natin. malay nyo makabii ako ng camera next week. malay natin. ehhehehe. ayos? hhehehe.
sa sunday nga pala. aatend ako sa en church dito sa lugar namin. nakausap ko na yung kontak person. tinatanong pa nga ako kung magpapasundo daw ba ako or not. sabi ko. d na lang. magbus na lang ako. malapit lang naman yung church. sa world vision bldg sila naghohold ng services nila. tanong ko na lng daw sa guard. ehhehe.
so activities for today? maglalaba sa umaga. then gala sa hapon. samahan ko c rod sa best buy. titingin sya ng laptop. atat na atat na ring bumili yun ng laptop. kaso winiweigh din nya kung mura dito or mas mura sa pinas. hahaha. parehong kuripot. weh. hahaha. or hindi lang kami impulsive buyer. ahahha. whatever. basta. kuripot. period.
nobela na naman itong naisulat ko. wala kasing mapaglibangan dito. so kaya heto. ibinubuhos ang lahat sa blog. at kayo lang ang kausap ko. wala naman kasing kumakausap sa kin sa phone from pinas eh. huhuhuhu. drama. emo. oks. so dito ko na lang kayo kwekwentuhan.
and one more thing pa pala. etong statement na to napanuod ko sa interview with steve carell(40 yr old virgin) sa bago nyang movie - dan in real life. apply ko sa sarili ko.
pj in real life.
sometimes dramatic.
sometimes comedic.
sometimes neither and just totally boredom.
hehehe. d ko alam kung i got it right. pero parang ganyan. pede siguro sa kin. madrama minsan. makwela. minsan naman boring lang. hehehe.
oks. sa susunod na blogging ko.
ciao.
No comments:
Post a Comment