Monday, December 22, 2008

wala lang

mga kwentong wala lang. :D
hehehe... actually..... nagbabasa kasi ako ng mga libro ni bob ong ngayun...
eh mejo nainspired ako sa mga walang kwenta nyang sulat...
so try ko lang magsulat din... hahaha. :D

---
kanina lang, habang naghihintay makapagbihis ang kasama ko dahil katatapos lang nilang maglaro, nanuod ako ng naglalaro ng badminton.

Nag serve si babae, ubod lakas na ini-smash ni lalake yung shuttle cock.
SHIT! sabi nung babae.
Sapul sa mata. Maluha luha.

Panay ang sorry sa babae.
"di ko naman sinasadya. sorry na."

naisip ko. kung magkasintahan o nanliligaw pa lang, wag maglalaro ng badminton na kalaban mo yung babae. Kundi. Lagot. Tapos. Ang maliligayang araw mo.
Basted ka na. or break na kayo.
hindi ko naman sinasabing mangyayari to o may mga babaeng ganito kababaw, masaktan lang eh break na kagad or basted na kagad or away na.
Pero posible di ba?

----

yan lang. walang kwenta. hahaha... :D

No comments: